Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (415) 851-1676
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Cardinal Bastards Series
Cardinal Bastards Series
Series · 4 books · 2015-2017
By
Vanessa .
Books in series
#1
Cardinal Bastards Series 1
2015
“Isa lang ang gamot na talagang makakatulong. Halik. Napakasakit kasi nitong sugat ko.”
Nagtungo si Dulce sa bayan ng Santa Fe para sa misyong hanapin ang nawawalang bastardo ni Dante Cardinal, ang siyang dahilan kaya siya nakapag-aral. Bukod sa utang-na-loob kay Dante, nais din niyang matuwa sa kanya si Joaquin Cardinal, ang lalaking matagal na niyang lihim na minamahal. Ngunit sa pagtapak pa lang ni Dulce sa probinsiya ay nakilala na niya ang isang sanggano na kilala lang sa pangalang “Baba.” Kinailangan niyang humingi ng tulong sa lalaki, na napilitan la ng magbigay ng tulong. Akala ni Dulce ay magtatapos na agad ang kanilang ugnayan ngunit tila laging dumarating si Baba sa oras na nanganganib ang buhay niya. Inis siya sa binata, walang tiwala… Ngunit bakit tuwina ay nais niyang malunod sa mga mata nito?
#4
Cardinal Bastards Series 4
2015
“Knowing that I can't talk to you the way I have, knowing that I can no longer even hold your hand made me realize how foolish I was to let you go.” Teenager pa lang si Tecla ay isang lalaki na ang kanyang pinapangarap—si Custodio Cardinal na tila taglay na ang lahat ng katangiang hinahanap niya: mayaman, guwapo, matalino. Gayunman, ang madalas niyang nakikita ay si Cristobal, ang nakatatandang kapatid ni Custodio. Ang masaklap, tuwing nakikita siya ni Cristobal ay nasa alanganing sitwasyon siya. Isang gabing nag-date sina Tecla at Custodio, nalasing si Tecla at nakatulog upang magising ang diwa at mapukaw ang apoy sa katawan. She found herself passionately making love with Cristobal. Naloka siya sa sitwasyon, hindi ma-take na agad siyang bumigay lalo na at ni hindi siya pinadalhan man lang kahit text ni Cristobal pagkatapos ng naganap. Paano na siya kung sa isang gabi ng pagkakamali nila ay may nabuong bata?
#6
Cardinal Bastards 6
2017
From a tiny spark, he turned her into a scorching inferno… with just a kiss. Alexandra was suddenly an orphan, without any idea who took her mother’s life. She needed to seek justice. In doing so she met Connor, a con artist like herself who conned her of her hard-earned money. Sa kung anong dahilan, palaging pinagtatagpo ang kanilang mga landas sa pamamagitan ng mga kontrata sa trabaho. Until they found themselves in the hands of a mob leader, who forced them to get married in Vegas. Alam ni Alexandra na peke ang kasal… pero bakit ibinigay niya kay Connor ang sarili nang buong puso?
#7
Cardinal Bastards 7
2017
"I don't want to live my life thinking you never found out how much you meant and still mean to me." Matibay ang paniniwala ni Maristel na panghabang-buhay ang pagsasamang binuo nila ni Mark., kahit sabihing mga bata pa sila kung pag-aasawa ang pag-uusapan. Marami na silang pagsubok na nalagpasan at kakayanin nila ang anumang darating pa. Basta buo ang pagmamahal at tiwala nila sa isa't isa. Pero may mga pagsubok na mahirap malagpasan at tuksong mahirap iwasan. Kaya sa kabila ng lahat, nagkahiwalay rin sina Maristel at mark. Kailangang tanggapin ni Maristel na magkaibang buhay na ang tatahakin nila. Kaya lang, paano nga ba niya magagawang kalimutan si Mark kung sa pagbabalik ng lalaki ay parang gusto nitong maging parte uli ng kanyang buhay?
Author
Vanessa .
Author · 11 books