
“Anong nangyari?” Walang ideya si Ianne. Dapat ay one year down, forever to go na ang senaryo nila kung hindi lang siya iniwan ni Nate nang gabi na dapat ay masaya sila. Ang forever nila, biglang naging never. Sa kabila ng kanyang pagkalunod sa kalungkutan, hindi niya inaakalang ang poker face at weird niyang kaklaseng si Emotionless Guy ang magiging dahilan upang manumbalik ang saya sa nasira niyang puso. Pagkawala sa mundo. Pagbangon muli. Pag-alam ng katotohanan. Pagbalik ng pagibig. May mga pagkakataon talagang hindi lahat nang nakikita at naririnig ay dapat paniwalaan. Pero dapat pa bang maniwala ng isang pusong sugatan kung ito ay paulit-ulit na sinusugutan?