Margins
Ang Ikatlong Anti-Kristo book cover
Ang Ikatlong Anti-Kristo
2017
First Published
3.61
Average Rating
290
Number of Pages

Maraming humahanga kay Fr. Marcus hindi lang dahil sa taglay nyang karismatikong pagkatao, gandang lalake, lambing ng boses, talino, halos saulado ang bibliya at nakaka intindi ng mga wika, kundi sa mga nagagawa nito sa simbahan. Naibalik nya muli ang interes ng tao sa pag pagsisimba, napalago ang kanilang pananampalataya at muling napaasa ang mga ito sa himala ng pagpapagaling at biyaya. Kahit hindi nya maamin,maraming nagpapatunay na napagaling, natulungan, at nagkatotoo ang hula nya sa mga ito. Pero maging sya, nagtataka sa kanyang kakayanan o mas tinatawag na kaloob. Hindi yata pangkaraniwan. Parang sya mismo, hindi naniniwala sa kanyang kaloob. Ano kaya ang gagawin ni Fr. Marcus sakaling malaman nya na kaya may taglay syang ganitong kaloob ay dahil sya ang nakatakdang maging ikatlong anti-kristo?

Avg Rating
3.61
Number of Ratings
185
5 STARS
29%
4 STARS
27%
3 STARS
28%
2 STARS
10%
1 STARS
7%
goodreads

Author

Eros S. Atalia
Eros S. Atalia
Author · 9 books
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2025 Paratext Inc. All rights reserved