Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Calle Pogi
Calle Pogi
Series · 10 books · 2008
By
Sonia Francesca
,
Keene Alicante
Books in series
#1
Buwi
2008
"Sige na, aaminin ko. Duwag ako... Hawak mo ang puso ko. Nasa iyo ang kaligayahan ko. Sinong tagisan ang hindi matatakot sa gano'n?"
Kelly hated playboys. Kaya nga mainit ang dugo niya sa kapitbahay niyang si Buwi. Paborito niyang ireklamo ito sa barangay nila for indecent display of a killer body. Yeah, well, it was true. He had a killer body. Anyway, hot bod aside, she didn't like him. Pero ano itong nararamdaman niya tuwing nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga babae? Naiinis siya. Gusto niyang sabunutan ang mga iyon at ibalot naman ng makapal na tela si Buwi. Ibig bang sabihin niyon ay nagkakagusto na rin siya sa isang playboy? But she hated playboys...
#2
Waki
2008
"This is the first time I ever wanted to be with a woman I don't even like."
Idol ni Jazzy ang kanyang kuya. kaya na-disappoint siya nang bigla na laman nitong iwan ang trabaho nito para maging kapitan ng isang maliit na barangay sa Laguna. Sinundan niya ito para kumbinsihin ito na magbago ang isip. Doon niya nakilala si Waki. Sa simula pa lamang ay bad trip na siya rito. Nayayabangan siya rito. Pero dahil sa isang aksidente ay napilitan siyang maging alalay nito sa loob ng isang buwan. She expected one month of torture. Pero taliwas doon ang nangyari. Sa halip na siya ang maging alalay nito ay ito ang laging nakaalalay sa kanya. Feeling yata nito ay knight of shining armor ito at damsel in distress siya. Kung type nitong maging alalay, pagbibiyan niya ito...
#3
Lian
2008
"I was afraid you would reject me. Kaya nga idinadaan ko na lang sa mga simpleng hirit at pagpapa-cute ang lahat para kahit paano ay mapansin mo rin ako."
Mags was head over heels in love with Waki. Alam iyon ng buong mundo. kompleto na sana ang kaligayahan niya dahil sa iisang lugar sila nakatira. Anumang oras ay maari niyang iparamdam dito ang pagsinta niya. Pero may kontrabida sa kaligayahan niya-si Lian. Kaibigan ito ni Waki kaya hindi niya maintindihan kung bakit sinisiraan nito sa kanya ang kaibigan nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling kainisan ito. Pero bakit ganoon? Apektado siya tuwing nakikita niya itong may kausap na ibang babae at iritang-irita siya kapag may babaeng interesado rito. At bakit tuwing ngingiti ito sa kanya ay dagling napapawi ang inis niya at lumulukso ang kanyang puso? Ibig sabihin ba niyon ay may gusto siya rito?
#4
Makisig
2008
"I may have changed a lot, but I changed because of you...for you. Ipinangako ko noon sa sarili ko na kapag nagkita uli tayo, ako na ang magtatanggol sa iyo."
Nang maisipang magbakasyon ni Jean, sa Calle Pogi siya nakarating. Madalas kasing ibida iyon sa kanya ng kaibigan niyang si Mags. Sa bakasyong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila ng kababata niyang si Makisig. He was a lanky, nerdy boy when they were kids. Pero ngayon ay bagay na bagay na rito ang pangalan nito. Makisig na makisig na ito. Ngunit hindi lamang pala naging makisig ito, may pagkasuplado na rin ito. But that didn’t stop her from being fascinated by him. Naa-amaze kasi siya sa laki ng ipinagbago nito. Kaya sa tuwing nagkikita sila, kinukulit-kulit niya ito. Pero nanatiling dead-ma ito sa pangungulit niya. In fact, hinahayaan lang nito at inuunawa ang kapraningan niya. And everything was okay. Until he told her she was a very important friend to him. Hala! Kaibigan lamang pala ang tingin nito sa kanya? Pambihira! Ano na ang gagawin niya ngayong hindi lamang siya basta humahanga rito?
#5
Haru
2008
"Lahat naman ng nagmamahal ay takot masaktan. It's all a part of the game called 'love.' But if you don't take risks, you wouldn't know the true meaning of the world."
Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito.
Harmonious
. Iyon ang matatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya. Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito.
"Thanks for the feelings, Fara."
Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?
#6
Matt
2008
"I can't picture myself being in love with someone else. I guess I've been in love with you forever."
Nagtataka na si Natalya kung bakit tuwing nilalapitan niya ang resident pediatrician ng barangay nila na si Matteo Evangelista ay palaging nadidisgrasya ito. Napaisip tuloy siya kung ano ang problema sa kanya. Nakaka-bother kasi ang ginagawang pag-iwas nito sa kanya. Pero minsang muntik na siyang maaksidente ay ito ang sumagip sa kanya. At magmula noon ay hindi na siya iniwasan nito. Palagi na itong nakaalalay at nag-aalala sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ng ilusyunadang puso niya na umasang nagsisimula nang mahulog ang loob nito sa kanya. Ang kaso, nalaman niyang may mahal na pala ito noon pa. Ito pa nga mismo ang nagsabi niyon sa kanya. Paano na siya?
#7
Sage
2008
"Ang sabi ng isip ko, huwag daw akong magpapaniwala sa iyo...Ayaw makinig ng puso ko sa sinabi ng isip ko, kaya sige, maniniwala na lang ako sa paliwanag mo."
Tahimik na ang buhay ni Alodia sa Laguna. Kontento na rin siya sa pagpapatakbo sa kanyang maliit na couture shop. Pero biglang nabago ang mapayapang daloy ng kanyang buhay nang mapilitan siyang tumuntong sa Calle Pogi para hanapin ang na-“kidnap” na alaga niya. Sa Calle Pogi ay natagpuan niya ang lalaking nagtataglay ng pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya—si Sage. Nagmamay-ari ito ng bakeshop na puring-puri ng mga kabarangay at mga kalapit-barangay nito. Katulad ng mga paninda nitong pastries at cakes, naniniwala siyang sweet ito. Kaya lang, wala siyang amor sa matatamis. She hated everything sweet and romantic. She hated cakes and chocolates. She hated flowers and love songs. But if that was the case, then why couldn’t she resist Sage’s sweet smile?
#8
Ryu
2008
"You healed my heart and made me trust in love again."
Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama. Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki—si Ryu. Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito. They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline. Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya. Uuuy, tsismis!
#9
Drei
2008
"I'm not really good with words, Amaya. But believe me when I say 'I love you' because I really do."
Naglayas si Amaya sa bahay nila upang patunayan sa kanyang mga magulang na kaya niyang tumayo sa kanyang mga sariling paa. Napadpad siya sa Calle Pogi. Doon ay nahasa niya ang pagiging children’s book illustrator. Pero sa malas ay sinundan siya roon ng taong nagsabi sa kanya na walang direksiyon ang buhay niya—si Drei. Bakit naroroon ito? Isang araw na hindi na siya makatiis ay tinanong na niya ito. “Ano’t bigla ka na lang sumulpot sa lugar na ito?” “I like it here. Isa pa, bagay ako rito.” “Bagay ka rito?” “Yes. Because this is Barangay Calle Pogi. And a handsome person such as myself should only belong to a place like this.” Nakakaasar mang aminin pero guwapo talaga ito. Subalit magkaganoon man, naiinis pa rin siya rito. Balak ba nitong bantayan siya para malaman kung magtatagumpay siya? Galit siya rito. Pero bakit nang magpakita ito ng kabaitan sa kanya ay parang bulang naglaho ang galit na iyon?
#10
Bucho
2008
"When you kiss someone, never say 'sorry' afterwards."
Crista had always liked Bucho, their barangay’s beloved captain. Hindi niya ikinahihiya iyon. In fact, natutuwa pa nga siya kapag may nanunukso sa kanya. Pabor iyon sa kanya. Kapag tinatanong siya kung may gusto siya rito, “oo” agad ang sagot niya. Everything was simpleto her. Para sa kanya, kung gusto mo ang isang tao, dapat sabihin at ipakita. Ang problema, ang pagkakaalam niya ay “gusto” lamang niya si Bucho. Hindi niya napaghandaan na puwede pa palang mas lumalim ang damdamin niya para dito. Hanggang dumating na nga ang araw na iyon. She fell in love with him. Maaamin pa rin kaya niya iyon sa harap ng maraming tao? O sa harap mismo ng lalaking minamahal niya?
Authors
Sonia Francesca
Author · 63 books
Keene Alicante
Author · 5 books