Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
Β·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
Β·
Terms of Use
Β© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
π
Dominador Mirasol
Mga Agos sa Disyerto
1964
Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. OrdoΓ±ez, Edgardo M. Reyes, Rogelio Sicat
Gaya ng pagunita ng isang guro-kritiko ukol sa kultura sa kabataang manunulat na "sulat nang sulat nang walang alam" sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas (sa lahat ng wikang ginagamit sa bansa), "makabubuti sa kanila ang lumingon sa lumipas" at tuklasin ang naging papel ng "Agos sa Disyerto" sa pagunlad ng sining ng salaysay at impluwensiya ng mga manunulat nito sa paghubog ng kaisipan ng ating sambayanang nakikibaka pa para sa kasalukuyang maiibis sa balikat nito ang bagahe ng mapait na mga karanasan ng kahapon. Ginagamit sa tersyarya at sekundaryang mga paaralan, kabilang na ang mga mulat ng exclusive schools bilang dagdag na babasahi, umabot na sa apat ng dekada ang buhay ng "Mga Agos sa Disyerto," gaya ng idinokumento s isang forum sa UP: "Agos@45 noong Nobyembe 19, 2009: Mga Kuwento ng Muling Pagtatagpo" na nilahukan ng maraming manunulat at guro, kabilang na ang Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Bienvenido Lumbera, premyadong manunulat-guro na sina Jun Cruz Reyes, Dr. Roland Tolentino, Dr. Jimmuel Naval, Ruel Aguila, Luna Sicat-Cleto at Charleston Ong. Amg pagbabasa't paga-aral ng mga antolohiya ng mga akdang pampanitikan natin mula\\t sapul ang magiging lisenya ng isang manunulat na mapasakay sa agos ng tradisyon ng panulatan sa Pilipinas.
π Dominador Mirasol