Margins
Dreamland Trilogy by Ronaldo S. Vivo Jr. book cover 1
Dreamland Trilogy by Ronaldo S. Vivo Jr. book cover 2
Dreamland Trilogy by Ronaldo S. Vivo Jr. book cover 3
Dreamland Trilogy by Ronaldo S. Vivo Jr.
Series · 3 books · 2015-2024

Books in series

The Power Above Us All book cover
#1

The Power Above Us All

2015

Sa nobelang ito nasubok kung may mga bagong talinghaga pang makakatas sa metaratibo at realismo ng daigdig ng subaltern. Ang daigdig na ito ay ang iba’t iba at pinagsama-samang impiyernong pinangyarihan ng sari-saring kahayupan—Dreamland, Red Butterfly, talahiban ng Hagonoy, at kung saan-saang pribadong espasyo. Ang mga impiyernong ito ay nagpaparusa nang perpetuwal at paulit-ulit sa mga tauhan. Ang mga ito ang kani-kanilang selda. Itinuturo sa atin ng nobela kung paano takasan ang mga impiyernong ito. Ang pag-alpas ay nagmumula sa sariling pagkukusa, tulad ng katarsis ng isa sa mga tauhan, nang maisip niyang, “Ang lansang namamayani sa solo kong selda'y walang dudang sa'kin nagmumula.” \- Mark Angeles, Patikim, Emotero, Threesome Pagkatapos basahin, sunugin ang librong ito. Kumuha ng gasolina, ibuhos sa mga establisyimento't institusyon, at ibato ang sumiksiklab na nobela sa bunganga ng awtoridad. \- Albert Cornejo, FEU Writers Guild Pipi raw ang subaltern, sabi ng intelektuwal na si Spivak. Ngunit sa unang nobela ng Ungazpress, makikitang napino na ang artikulasyon ng bokabularyong 'looban.' Maraming aalma sa dahas at karumal-dumal na kadugyutan nito. Ngunit may sakit ang lipunan, at narito ang ilang sintomas. \- John Levi Masuli, Pedantic Pedestrians
Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa book cover
#2

Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa

2021

“This crime thriller you hold in your hands will shove you face first, chapter by chapter, through the underbelly of a fascinating facet of Philippine society.” \- 𝗠𝗮𝗿𝗸𝘂𝘀 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗻𝗱𝘂𝘀 “Vivo’s specialty lies in his obsessive plotting and his ability to carry it out well. He gives his characters almost-equal importance, then slowly rearranges their stories to present a micro-universe that will serve as their main battleground and melting pot, its many segments frolicking in different voices, personas, and angles, all while still coalescing and making sense in the end.” \- 𝗥𝗠 𝗧𝗼𝗽𝗮𝗰𝗶𝗼-𝗔𝗽𝗹𝗮𝗼𝗻 “Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the new Edgardo M. Reyes.” \- 𝗡𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗪𝗶𝗹𝘄𝗮𝘆𝗰𝗼 "𝘓𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴. Isa sa pinakamalakas at pinakatotoong linyang nabasa ko sa librong ito at sa buhay ko. Brutal ang nobela pero napakaganda ng pagkakasulat. Kung mahilig kang magbasa pero suportado mo pa rin ang mga nangungupal sa atin, para sa iyo ang librong ito.” \- 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗟𝗲𝗴𝗮𝘀𝗽𝗶 “Hindi mo bibitawan ang pagkukuwento ni Ronaldo Soledad Vivo, Jr. dahil karugtong ng danas ng mga karakter, at ang lahat ng kasama nitong dahas at dungis, ang bituka mong paulit-ulit na dinudukit ng mahabang kasaysayan ng korap na awtoridad. Mangangarap kang hawak ang martilyo ni Rey upang parehong lansagin ang kinakalawang na aparato.” \- 𝗠𝗮𝗿𝗿𝗲𝗻 𝗔𝗿𝗮ñ𝗮 𝗔𝗱𝗮𝗻
Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat book cover
#3

Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat

2024

Kalansay na ang mga labi ni Divine Amadeo nang matagpuan sa isang tambak sa C-6, malapit sa Silveria Fields. Ngunit hindi naniniwala si Dondi Amadeo, isang pharmacist, na sa kapatid niya ang nahukay na kalansay. Hinala naman ng investigative journalist na si Marisol Gatdula, may kinalaman si Dondi sa pagkamatay ni Divine. Sa tagisan ng katuwiran at pagsisiyasat, sasagasa sa landas nila si Boni Fly, isang ex-convict, na kapwa naghahanap ng mga kasagutan tungkol sa karumaldumal na sinapit ng kaniyang anak.

Author

Ronaldo S. Vivo Jr.
Ronaldo S. Vivo Jr.
Author · 9 books
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Dreamland Trilogy by Ronaldo S. Vivo Jr.