Margins
He’s Into Her Season 2 book cover 1
He’s Into Her Season 2 book cover 2
He’s Into Her Season 2 book cover 3
He’s Into Her Season 2
Series · 6 books · 2014-2017

Books in series

He’s Into Her Season 2 Book 1 book cover
#1

He’s Into Her Season 2 Book 1

2014

Bakit ba sa mga hindi inaasahang oras ay ikaw ang kasama ko? Ikaw \`yong nandiyan? Bakit ba parati na lang nagkatatagpo ang mga landas natin? Dahil sa isang komprontasyon ay nabigyan na ng linaw ang kaugnayan nina Deib, Max, Dein, Kim at Randall sa isa’t isa. Doon din mismo ay nalaman ni Deib kung anong hirap ang pinagdaanan ni Max. Humanga siya sa katatagan ng dalaga na kayanin ang lahat ng sakit na dinanas nito. Naaasar pa rin siya kay Max ngunit hindi niya naman mapigilan na makaramdam ng paghanga sa dalaga. May pag-asa pa ba na lalong lumalim ang nararamdaman ni Deib kay Max? Magkita pa kaya sila kung nanganganib na mapatalsik si Max sa school na pinapasukan nila?
He’s Into Her Season 2 Book 3 book cover
#3

He’s Into Her Season 2 Book 3

2015

“Ang pag-ibig na nararamdaman, mas masarap kapag hindi pinipigilan.” Hindi naging madali para kay Deib ang aminin sa sarili pati na rin sa kaibigang si Tob ang totoong nararamdaman para kay Maxpein. In denial pa talaga si Deib noong una. Pero habang tumatagal ay naamin din niya sa sarili na, oo nga, gusto na niya si Maxpein. Nagawa na rin niyang aminin iyon sa ibang tao. Ang kaso, kahit gaano na ka-vocal si Deib sa kanyang nararamdaman, hindi pa rin niya mapalitan si Randall sa puso ni Maxpein. Ni hindi nga yata nahahalata ng dalaga na may pagtingin siya. Pero kung patuloy lang na mananahimik si Deib, baka isang araw ay magsisi na lang siya na hindi nagawang sabihin kay Maxpein na mahal niya ito. Kaya gaya ng isang basketball game, tuloy ang laban ni Deib—nanakawin niya ang puso ni Maxpein mula kay Randall.
He’s Into Her Season 2 Book 4 book cover
#4

He’s Into Her Season 2 Book 4

2015

Sumama ang loob ni Deib kay Maxpein nang mas piliin ng dalaga na sumama kay Randall kaysa manood ng basketball game niya. Pero mabilis na nawala ang sama ng loob na iyon nang mabalitaan ni Deib na naospital si Maxpein. Pumunta siya sa ospital para lang makaramdam ng matinding selos dahil naabutan niya sina Maxpein at Randall na masaya. Naisip ni Deib, iyon na ang tamang panahon para sabihin kay Maxpein ang kanyang damdamin. Pero sa halip na paniwalaan, naisip pa ni Maxpein na pinagtitripan niya ito. Nasaan ang hustisya roon? Naghintay na nga siya nang tamang panahon pagkatapos ay sablay din lang pala...
He's Into Her Season 2 Book 9 book cover
#9

He's Into Her Season 2 Book 9

2015

"One wrong move and you're mine." Nagbabago talaga ang mga bagay sa paglipas ng panahon. Iyon ang napatunayan ni Deib. Kung noon ay isa siya sa mga nangunguna sa pambu-bully kay Maxpein, ngayon ay siya na ang tagapagtanggol ng dalaga. Mukha namang nakatulong iyon dahil lalo siyang napapalapit dito. Nasasabi na sa kanya ni Maxpein ang mga bagay tungkol dito na dati ay hindi nito maibahagi sa kanya. Kaya lang ay hindi pa rin talaga mapigilan ni Deib ang makaramdam ng selos kay Randall. Dahil sa isang pangyayari ay nagtampo ang binata kay Maxpein. Ang hindi alam ni Deib, nakatulong pa ang pagtatampong iyon para maging masaya siya.
He's Into Her Season 2 Book 11 book cover
#11

He's Into Her Season 2 Book 11

2017

“Tuwing nag-aalala ka para sa akin, nalalaman kong may pakialam ka.” Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Deib Lohr Enrile? Kung tutuusin, wala na. Guwapo, mayaman, may masayang pamilya at mabubuting kaibigan. Puwede nang sabihin na kompleto na siya. At si Maxpein? Ito ang jackpot prize niya sa buhay. Pero may problema pa pala sila—hindi gusto ng ibang tao na maging masaya sila. At kahit gusto nang maging masaya ni Deib, saan siya kukuha ng lakas ng loob kung kahit sa almost perfect nilang buhay ay hinahabol pa rin sila ng gulo? At ang pinakamahirap tanggapin sa lahat, uso na yata ngayon ang test of friendship. Sila ni Maxpein at ang kanilang mga kaibigan, hanggang kailan magiging matatag na magkasama?
He's Into Her Season 2 Book 16 book cover
#16

He's Into Her Season 2 Book 16

2017

“Mahal na mahal kita, babe. Lahat ng may kinalaman sa \`yo ay mahal ko.” Isang masayang celebration sana ang hatid nang gabing iyon para kay Maxpein at sa mga kaibigan niya kung hindi lang sana biglang nanggulo ang grupo ni Choco. Nalagay pa sa panganib ang buhay niya at ng mga kaibigan kaya lalong lumaki ang away sa pagitan nila ni Choco. Pero hindi inaasahan ni Maxpein na ang away na iyon ay magiging dahilan para malaman niya ang tunay na pagkatao na matagal inilihim sa kanya ng kinikilalang pamilya… Ang tungkol sa kanyang tunay na ina… At ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Randall… Paano nga kaya haharapin ng matapang at palaban na si Maxpein ang mga rebelasyong iyon kung buong buhay niya ay nabuhay siya sa napakaraming kasinungalingan?

Author

Maxinejiji
Maxinejiji
Author · 21 books
Maxinejiji or Maxine Lat Calibuso in real life is a Filipino writer who wrote the famous Wattpad series "He's Into Her". Her works are published under Life is Beautiful (LIB Creatives)/Pastrybug which is also a part of Precious Pages Corporation.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2025 Paratext Inc. All rights reserved