
Si Aurora Laoamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundong mga paborito niyang kwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. at sa bawat araw na dumaraan na hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan?
Author
A girl from 19th Century Philippines • 2018-2019 Best Selling Author by ABS-CBN books • 2019 Game Changer Award by ABS-CBN books • Bestseller in Philippine Publication Fiction of National Bookstore.(ILYS1892)