Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
😱 Horror
😱
Horror
Tabi Po
Isyu 1
Mervin Malonzo
★ National Book Awardee for Graphic Literature (Filipino) ★ Isang lalake ang bigla na lamang nagising sa loob ng isang puno sa gitna ng kagubatan na walang alaala kung sino siya at saan siya nagmula. Ang tanging alaala lang niya ay isang imahe ng babae na nakikita niya sa kanyang panaginip, at ang tanging nararamdaman niya ay isang matinding gutom na mabilis na namumuo sa kanyang walang pusod na sikmura. Isang gutom na mapapawi lamang ng laman...at dugo.
Tabi Po
Isyu 2
Mervin Malonzo
Maligayang pagbabalik sa ating munting mundong nababalot ng hiwaga. Nananabik na ba kayong makabalik sa piling ng ating mga butihing aswang? Halikayo't humimlay muli sa mga bisig ni Elias, halikan ang kahali-halinang labi ni Sabel, at makinig sa mga tula ni Tasyo. Malugod kayong inaanyayahan ng tatlong ito sa kanilang hapag. Ingat-ingat lamang at baka kayo pala ang ihahain.
Trese
Sa Kanto ng Balete Drive at 13th Street
Budjette Tan
Sa paglubog ng araw, huwag na huwag magkakamaling mapadpad sa mga madilim na sulok ng Maynila, kung saan mga aswang ang nasa likod ng mga kidnapan, mga kapre ang utak ng mga krimen, at may mga engkanto na handang nakawin ang pinakamahahalagang bagay sa buhay mo. Pag kakaiba na ang mga kaso, ang mga alagad ng batas ay kay
Alexandra Trese
tumatakbo.
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
2010
Bob Ong
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
2014
Edgar Samar
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!
Maligayang Pagdating Sa Sitio Catacutan
Mga Kuwentong Kasisindakan
Tony Pérez
Tayo Na Sa Sitio Catacutan! Kung saan kayo hinihintay ng mga pangyayaring kasisindakan... Anim na Bagong Kuwento mula sa walang-kapantay na panunulat ng iisa at tunay na Hari ng Panitikan ng Kadiliman, si TONY PEREZ Basahin at tagpuin sa Sitiio Ang TRAYSIKEL DRAYBER na matagal nang PATAY Ang PAUPAHANG SILID na tinitirhan ng mga alaala Ang ANTIQUE SHOP na mapagbibilhan ng mga ENGKANTADONG BAGAY Ang BABAENG SINAPIAN at ang LALAKING SINAPIAN (ng mga ano kaya?) at An AKWARYUM na may lihim