
Sa buhay, isa lang ang maaari nating ituring bilang mortal na kaaway. Hindi ang kapitbahay mong tsismosa, hindi holdaper, hindi ang karibal mo, hindi trapong pulitiko at hindi rin ang kasalukuyang sitwasyon mo. Kundi ‘Tadhana’. Kapag tadhana ang naglaro, kahit anong gawin mo, hindi ka mananalo. Ang IMORTAL ay isang antolohiya ng maiikling kuwento ni Juan Bautista na sumasalamin sa mga masasalimuot na sitwasyon na maaaring kinasadlakan na ng ilan sa atin. Pagmamahalang nauwi sa wala, mga nabasag na pangarap, mga taong nilukuban ng ‘di maipaliwanag na hiwaga, at mga buhay na nasira.