Margins
It's Not That Complicated book cover
It's Not That Complicated
Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012
2012
First Published
4.07
Average Rating
231
Number of Pages

Noong bata pa si Intoy, problema niya lang kapag may nakikialam sa kanyang pag-iisa. Noong elementary, kung kanino pa siya makapanghihiram ng komiks, at kung paano niya imamasaker ang mga langgam sa bakuran nila. Noong high school, problema niya kung paano ibuod ang bawat kabanata ng Noli at Fili nang hindi magagalit ang mga teacher niya kasi nagdaragdag siya ng kwento; at ang relasyon ng coordinates, Cartesian plane at chemical bonding. At noong college, kung paano mapapagpasensyahan ang mga prof niya, mapagkasya ang baon, at ang pagbili ng secondhand books. Saka si Jen—ang pinakamasaya't pinakamaganda niyang pinroblema. Ngayon: kaligayahan, katahimikan, trabaho, kaopisina, boss niya, boss ng boss niya, si Tina, at syempre si Jen at... sige na nga, world peace. Quiz: Get 1/4 sheet of pad paper. Pangatwiran kung alin ang di dapat kasama sa mga nasa sumusunod: Atlantis, Lemuria, Alien, Benson, Global Warming, End of the World, 2012, Hen, Tina at Into. Isulat ang sahot sa likod ng isinauling sulating pormal. Lakipan ng papel ng shawarma. Ihulog sa tambyolo sa pinakamalapit na tinadahan. Ang mapalad na mabubunot, gagawing official representative ng planet Earth para sa Search for Ideal Intergalactic Personality.

Avg Rating
4.07
Number of Ratings
1,795
5 STARS
47%
4 STARS
25%
3 STARS
18%
2 STARS
6%
1 STARS
3%
goodreads

Author

Eros S. Atalia
Eros S. Atalia
Author · 9 books
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2025 Paratext Inc. All rights reserved