
Mommy, may ipagtatapat ako, sabi ni Joshua sa ina. Ano, na gusto mong maging writer? Oho. Pero hindi 'yun. I think I'm gay. O e ano naman ngayon? Gay ang Lolo Jim at Lolo Dale mo, trans ang Auntie Erich mo, queer ako, at ngayon ay gay ka, nagunaw ba ang mundo?