AMADO V. HERNANDEZ Amado V. Hernadez (1903-1970), tampok na Pilipinong makata, mandudula, mamamahayag, nobelista at lider-manggagawa. Kinilala ang kanyang pagka-manunulat sa pamamagitan ng National Artist Award (1973), Republic Cultural Heritage Award (1962), Balagtas Award (1969), apat na sunod na premyo sa dula (1958-1961) sa Palanca Memorial Award for Literature. Sa ngayon, si Hernandez ay nakaukit na sa puso at diwa ng kilusang makabayan. Sa labas man ng Pilipinas iginagalang siya at ang kanyang mga lalong kilalang akda tulad ng Mga Ibong Mandaragit, Bayang Malaya, Isang Dipang Langit ay binabasa't isinasalin.