
Ang Aklat Sa Makinilyang Altar, hinahabi ni Sicat-Cleto sa pamamagitan ng sinulid ng wika ang isang malaki at masalimuot na ginantsilyong mantel, isang mantel ng Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay, na nagsisilbing panlambong sa altar na kinapapatungan ng talong Makinilya: ang Makinilya ng kaniyang ama, ang Makinilya niya, at ang Makinilya ng manunulat na Filipino. Baligtaran itong mantel: isang elehiya at isa ring awit na papuri sa amang nabuhay at yumao at muling nabuhay (sa kaniyang pagiging isang manunulat din). Datapwat, ang sinulid na gamit ni Sicat-Cleto ay hindi itim ng pagluluksa kungdi mga kulay ng agaw-dilim, kung saan ang araw ay dikit pa bagamat lutang na ang buwan. Di matingkad ang mga kulay pagkat pigil ang kaniyang mga damdamin: pinili niya ang katotohanan ng pagiging tagamatyag pagkat ilang ulit nang napaso ng pagiging emosyonal ng ama. Gayunpaman, ang kariktan ng kabuuan, di man bunga ng pinagtabi-tabing mga kulay, ay bunga ng ugnayan ng liwanag at ng mga anino. Kung si Rogelio Sicat ay ang araw, si Luna Sicat-Cleto ay ang buwan. — Tony Perez (Mula sa Pambungad)
Author
Luna Sicat-Cleto was born on January 29, 1967. She completed her AB in 1990 and her MA in 1999. The daughter of distinguished writers—Ellen Sicat won important awards while the late Rogelio Sicat remains to be one of the most remarkable fictionists in Philippine literature—Luna has garnered several literary awards of her own, including the Carlos Palanca Memorial Award for her short stories, essays, poems, and stories for children; the Gawad CCP for one-act play; and the Gawad Chancellor for her literary work. In 2005, she won the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award for Makinilyang Altar, published by the University of the Philippines Press. Her works have also been recognized as integral to the development of the tradition of women's writing in the country. She is a professor at the Department of Filipino and Philippine Literature at the University of the Philippines, Diliman, where she is currently working on her Ph.D in Malikhaing Pagsulat. (http://www.panitikan.com.ph/authors/s...)