


Books in series

#1
Moymoy Lulumboy
Ang Batang Aswang
2014
Sa isang cosplay event sa Greenbelt, isang saleslady ang inabutan ng isang bag na may lamang sanggol at salapi ng isang maliit na taong naka-costume na duwende.
Ang sanggol na ito ay tinawag na Moymoy. Tulad ng ibang bata, lumaki siyang masaya, nakikipaglaro, umiiwas sa mga away, at napagsasabihan ng matatanda. Ngunit natuklasan ni Moymoy na kapag siya ay naglalabas ng matinding emosyon siya ay nag-iiba ng anyo.
Ang librong ito ang simula nang pagtuklas ni Moymoy sa kanyang pagkatao at sa totoong mundo na kayang tunay na kinabibilangan.

#2
Moymoy Lulumboy
Ang Nawawalang Birtud
2015
Hind gusto ni Moymoy na iwan ang Mommy Tracy niya pero kailangan niyang bumalik sa Gabun. Ipinapatawag siya ni Wayan dahil hindi nais makipagkasundo ng kanyang kakambal. Ngunit hindi lang iyon ang problema. Kailangan nilang mahanap ang birtud ni Buhawan dahil hanggang buo iyon, tiyak na maaaring muling mabuhay si Buhawan na hindi maaaring mangyari.
Naresolba ang problema ni Moymoy nang kusang sumama si Mommy Tracy. Pero ibang mundo na ang kanilang papasukin at hindi siya sigurado kung gaano kahanda ang kinikilalang ina na malaman ang tunay niyang pinagmulan.

#3
Moymoy Lulumboy
Ang Paghahanap kay Inay
2016
Naging viral ang video ni Moymoy na nakikipaglaban sa mga aswang. Naging instant celebrity siya. Kinatatakutan ng mga kaklase, ginawang katatawanan. Kaya naisip ni Moymoy, nasa tamang mundo pa ba siya? O baka naman sa Gabun siya nababagay?
Bumalik nga si Moymoy sa Gabun pero nalaman niyang sa Amalao pala matatagpuan ang kanyang Inay. Buhay si Diyosang Liliw.
Pero paano niya makikita at makakapiling ang kanyang inay kung nasa iba itong anyo?

#4
Moymoy Lulumboy
Mga Dulot ng Digmaan
2017
Nagtagumpay si Moymoy na mabawi ang lahat ng Ginto ng Buhay sa tulong ng kapatid na si Alangkaw. Sa wakas, mapapawi na ang sumpa sa mga tibaro. Nagdiwang ang lahat pero sa mismong gabi ng selebrasyon ng mgabtibaro, naging kulay-dugo ang mukha ng buwan...
Hindi pa tapos abg gabi ng dugon!
Hindi napawi ang sumpa?

#5
Moymoy Lulumboy
Ang Lihim ng Libro
2018
Hindi pa rin napapawi ang sumpa. Mayroon pa ring gabi ng dugon na labis na kinatatakutan ng mga tibaro. Para tuluyan na itong mawala, kailangang maibalik ang kahuli-hulihang ginto. Ang ginto na nagsisilbing buhay ni Liliw.
May isang malaking desisyonna dapat gawin si Moymoy: ang manatiling maligaya sa Amalao kasama ang ina at kapatid o ang tuparin ang pangako sa mga tibaro na kunin ang kahuli-huluhang ginto mula kay Liliw upang mapawi ang sumpa.
Kakayanin ba ni Moymoy na mawala ang ina kapalit ng pangako?

#6
Moymoy Lulumboy
Ang Ugat at Ang Propesiya
2019
Star player sa basketball, pinakamatalino sa klase, crush ng bayan. Ilan lang iyan sa tinatamasa ni Moymoy sa Amalao sa kabila ng hindi paggamit sa kanyang diwani. Masaya siya sa normal na takbo ng kanyang buhay. Wala na sigurong mahihiling pa si Moymoy kundi ang malaman din na nasa mabuting kalagayan ang kapatid o ang makasama ito sa Amalao.
Para masigurong maayos ang kalagayan ni Alangkaw, nagdesisyon si Moymoy na bumisita sa Salikot- ang tahanan ng mga tibaro sa Amalao. At doon niya nakita na malayo sa payapa ang sitwasyon ng mga tibaro. Hindi lubusang napawi ang sumpa...
At nawawala si Alangkaw!
Author

Segundo D. Matias Jr.
Author · 17 books
Segundo Matias Jr. is a recipient of numerous literary award giving bodies, which include three Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, the Philippine’s most prestigious—known as the “Pulitzer Prize” of the Philippines—and longest running awards program. Mr. Matias has also written screenplays for major movie outfits, as well as teleplays for various TV shows before entering the world of children’s literature. He is also a publisher and has published over 1,500 books for children and young adults. He is currently taking Masters in Creative Writing at the University of the Philippines—Diliman.