"You are my home, Larisse. It doesn't matter where we are. You will always be home to me." Lahat ng kakilala ni Larisse ay nasisindak sa bagong anyo ni Sevien, ang dating pinakaguwapong lalaki sa Zegovna. Pero hindi siya. Ang tanging nakikita ng kanyang puso ay ang parehong lalaking inibig niya noon. Nagbalik si Sevien—ang prinsepeng inakala ng lahat na matagal nang patay—pagkaraan ng maraming taon. Tumakas ito ng bansa noon pagkatapos akusahang isang traidor. Ngayon ay bumalik ito sa kanilang bansa upang linisin ang pangalan nito at hanapin ang mga totoong nagtraidor sa lipunan. Ngunit napakalaki ng ipinagbago nito. Sa kabila niyon ay hindi nagbago ang damdamin ni Larisse para dito, kahit ito na mismo ang nagsabi sa kanya na hindi na niya dapat pagkatiwalaan ito. Subalit paano kung matuklasan niyang mali siya sa pagtitiwalang ibinigay niya rito? Muli ba siyang magluluksa kapag nawala na naman ito sa kanya?