Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
PHR Gothic Romance
PHR Gothic Romance
Series · 9 books · 1993-2016
By
Martha Cecilia
,
Vanessa .
,
Dream Grace
, and more
Books in series
#1
The Wolf And The Beauty
2013
“Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkatao ko…”
Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nalaman—ang mastermind sa panloloob ng kanilang tindahan ay ang lalaking binalak niyang pakasalan. Tumakas siya mula rito. Sa pagtakas niya’y isang lobo ang tumulong sa kanya at sinamahan siya sa buong magdamag sa gitna ng lamig at ulan. Ito rin ang nagkanlong sa kanya mula sa pinsalang maaaring idulot ng hypothermia. How would she know that her life had changed the moment her father was killed? Na ang mga bagay na inakala niyang kathang-isip lamang at napapanood lamang sa sine ay umiiral pala? Na siya ay umiibig sa isang lalaking may lihim na itinatago ang pagkatao? Kaya ba niyang tanggapin ang pagkatao nitong half-man, half-beast?
#2
Love Immortal
2011
They were two souls begging to experience physical love.
Isang gabi ay may kakaibang nangyari kay Sky. Sumakit ang kanyang tiyan at nang magising siya ay mayroon nang marka sa palibot ng kanyang pusod. Then she started having weird dreams. Sa mga panaginip na iyon una niyang nakita si Miguel, isang sundalo sa kanyang panaginip pero isang doktor sa totoong buhay. Miguel gave her a job, which she took… But soon, all the weird things happening in her life were making her think Miguel was not human. And she soon found out he was a vampire. Sa maraming pagkakataon ay napatunayan niyang nakahanda itong protektahan siya. She fell in love with him. Hanggang sa natuklasan niyang kaya siya pinoproteksiyunan nito ay dahil siya ang susi upang makasama uli nito ang babaeng mahigit isang siglo na minamahal nito. And for that to happen she had to sacrifice her own life.
#3
The Eternal Kiss
2011
_He was a demon with a heart of stone. But that was before he met her. That was before she melted his heart._
Cesca had always known she was different. May lihim ang pagkatao niya na hindi maaaring mabunyag sa kahit sino sapagkat kamatayan niya ang magiging katumbas niyon. Kaya mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng kanyang ama na huwag siyang basta-basta magtitiwala sa kahit sino. Ngunit nang makilala niya ang isang guwapong estranghero na nagpakilalang si Desmond, kinalimutan niya ang mahigpit na tagubilin ng kanyang ama. Ibinigay niya sa lalaki nang buong-buo hindi lang ang pagtitiwala niya kundi maging ang kanyang puso. Ngunit nagkamali pala siya. Dahil ang kauna-unahang lalaking pinagkatiwalaan at minahal niya nang higit pa sa kanyang sarili ay siya palang nilalang na inatasang tumugis at pumatay sa kanya.
#4
Silvano The Vampire and His Clueless Wife
2014
“I love you so much that everything seems bland without you… And I think of you and only you and the thought that you’re no longer a part of my life drives me mad.”
Nakilala ni Mimi sa chatroom si Silvano at nag-eyeball sila. Hindi naging maganda ang kanilang pagkikita dahil nagalit ang lalaki nang malaman na larawan ng isang artista ang ipinadala ni Mimi sa kanya. Akala ni Mimi ay hindi na niya makikita uli si Silvano ngunit nabigla siya nang hanapin siya nito upang humingi ng dispensa. Mula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa, hanggang isang araw ay alukin siya ni Silvano ng kasal na kanyang tinanggap. Ngunit maraming katanungan sa isip ni Mimi, mga misteryo tungkol sa katauhan ng kanyang asawang si Silvano…
#5
The Cursed Healer
2011
Ginulo nito ang puso at isip niya. She was searching for answers, he was looking for danger. Paano magtatagpo ang kanilang mga puso?
Tatlong araw pagkatapos ng ikalabingwalong taong kaarawan ni Crystal ay dumating sa kanilang baryo ang isang misteryosong lalaki. Mula noon ay sunud-sunod na ang mga pangyayaring nagpapatotoo na malapit nang maganap ang prediksiyon ng yumaong abuela niya na nag-uugnay sa kanya sa mga nilalang sa dilim. Sa paghahanap niya ng mga sagot ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob sa misteryosong lalaki. Pero biglang dumating ang isang guwapong dayo—si Rock. Sa kabila ng pagiging arogante nito ay nagawa nitong ibahin ang pakahulugan niya sa salitang “pag-ibig.” Sa gitna ng pagkalito, agam-agam, at takot niya ay lagi itong nasa tabi niya para punan ang espasyo sa kanyang puso. At sa maraming pagkakataon ay ipinadama nito sa kanya na mas ligtas siya sa piling nito kaysa sa misteryosong lalaking itinuturing niyang kakampi. Sa nakaambang panganib sa kanila, may puwang pa kaya ang pag-ibig?
#6
Pintig
1993
"Please lang, huwag ka nang mamamatay uli dahil sasabayan kita."
Upang mailigtas sa kapahamakan ang kapatid, napilitan si Tippi na tanggapin ang tulong ni Thor—na isang bampira. Sa ayaw at sa gusto niya ay sasamahan daw siya nito kahit saang lupalop o dimensiyon pa siya magpunta. Iyon ay dahil naniniwala ito na siya ang kaisa-isang babaeng inilaan ng tadhana para dito. In a span of a heartbeat, literally, she became a vampire’s bride. So cliché, naisip niya. Pero bakit naman sa lahat ng nilalang, bampira pa? Kalabang mortal ito ng isa sa mga lahing pinagmulan niya—ang mga lobo. She earned her living going after and killing vampires. Pero ano ang magagawa niya kung kahit sa simpleng panunuyo nito ay kinikilig siya mula ulo hanggang talampakan niya?
#7
My Midnight
2010
Tagalog Gothic Romance Novel Certified Bestseller!!!
#8
Ligayang Dalisay
2016
Isinumpa ni Ligaya na hahanapin ang pumaslang sa kanyang pamilya. At iisa lamang ang kanyang suspect—ang aroganteng milyonaryong bampira na si Caleb Maxwell. Paano niya papatayin si Caleb kung tuwing tititig ito sa kanya ay tila binabasa ang kanyang kaluluwa? Nababasa rin kaya nito ang kanyang puso? “I would like to taste you, Ligaya. All of you. Will you let me?”
#9
Dalisay na Ligaya
2016
Kinalakihan na ni Dalisay ang kuwento tungkol sa mga maligno. Tanggap din niya ang katotohanang ang pamilya niya ay kabilang sa angkan ng mga alipin. Mas pinili nga lang ng kanyang abuelo—isang magaling na albularyo—na tumiwalag para sa mas payapang pamumuhay. Ngunit sa mga pamilyang gaya nila, ang kapayapaan ay walang katiyakan kung hanggang saan. Darating at darating ang panahon na muli silang mahahanap ng mga maligno at maniningil ang mga ito—bagay na nagawang iwasan ng kanyang abuelo sa mga nakalipas na taon. Hindi nga lang naisip ni Dalisay na ang pagbabalik ng mga maligno ay magiging napakalupit. Magkakasunod na pinatay ang buong pamilya ni Dalisay. Iisa ang mukhang nakita niya sa pinangyarihan ng krimen—isang misteryosong estranghero na may kakayahang palabasin ang marka sa kanyang palad at guluhin ang tibok ng kanyang puso. At nang mga sumunod na araw ay natagpuan ni Dalisay ang sarili na bihag ng estrangherong iyon… May kung ano sa halik ni Darius na hindi niya matanggihan, hindi niya malabanan. Sa sandaling dumampi ang mga labi nito ay wala na siyang gustong gawin kundi magpaubaya… tanggapin ang bawat halik… at magpakalunod.
Authors
Martha Cecilia
Author · 96 books
Vanessa .
Author · 11 books
Dream Grace
Author · 12 books
Victoria Amor
Author · 5 books
Camilla
Author · 5 books