Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
ยท
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
ยท
Terms of Use
ยฉ 2026 Paratext Inc. All rights reserved
๐ Pocketbooks
๐
Pocketbooks
Wandering Heart
2007
Sonia Francesca
Jesi was a perfect girlfriend material. She was sweet, sexy, beautiful, successful, rich. Kaya nga laking pagtataka niya kung bakit naunahan pa siya ng mga walang-pakialam-sa-lalaking kaibigan niya. Kasal na ang isa at magpapakasal na ang isa pa. Samantalang siya, ni boyfriend ay wala. She started asking herself. Hindi kaya pangit siya? Isa lang ang malakas ang loob na sumagot niyon - si Sky, ang nerd na kapitbahay niya. "Kung maganda ka, bakit kailangan mo pa ang opinyon ko?" Anak ng patis! Hindi na dapat siya nagtanong pa. Ayaw niyang tanggapin ang naging kasagutan nito kaya nagbanta siya na hinding-hindi siya aalis ng bahay nito hangga't hindi ito naaakit sa karisma niya. Pero bakit tuwing titingnan niya ito ay hindi isang nerd ang nakikita niya? Ang masaklap, parang siya pa ang naaasa karisma nito! Baliktad yata!
Love Story
2010
Sonia Francesca
Kontento na si Cherie sa pangangalaga sa love story ng kaibigan niyang half Korean na si JM at ng boyfriend nitong Koreano na si Joo Gang Hun. Kung may fans club ang love team ng mga ito, baka siya na ang presidente niyon. She really liked their story, very Koreanovela-ish. When she said Koreanovela-ish, siyempre ay may supercool at guwapong thrid wheel. Si Gang Phil. Older brother ito ni Joo Gang Hun na nagkataong may feelings din para sa kaibigan niya. Hindi nito puwedeng sirain ang relasyon ng dalawa kaya gagawin niya ang lahat para harangan ang mga plano nito. Pero nang minsang hingan siya nito ng tulong ay hindi siya tumanggi. In fact, hindi ito nagdalawang-salita sa kanya. Gusto niyang iumpog ang sarili tuwing tatawagin siya nito at susunod naman siya. Parang may ipinakain ito sa kanya kaya sunud-sunuran siya rito. Was it because she could feel his pain whenever she say him watching the woman he loved loving his own brother? Or was it because she had dreamed of him and his upper-left-side-lip mole more than once? Destiny ba itey?
Paint My Heart
2007
Sonia Francesca
Dani never did soften up to love. Nadala na kasi siyang umibig kaya ibinaling niya sa pagpipinta ang kanyang atensiyon. Kung mayroon mang nagtatangkang manligaw sa kanya ay dumadaan ang mga ito sa butas ng karayom. Hanggang sa nakilala niya si Kusty Ueki Tyler. The guy was sinfully gorgeous. She loved this slightly arrogant, slightly selfish, overly handsome and totally great guy. Pero biglang kumulo ang dugo niya rito nang marinig niyang laitin nito ang kanyang mga obra-maestra. How dare this man! wala itong alam sa art kaya wala itong karapatang insultuhin siya. Kaya nga nang makilala niya ang kapatid nito na si Ginny - isa sa masususgid na tagahanga niya ang dalaga - at pinakiusapan siyang akitin ang workaholic monster na kuya nito, she did exactly what she was not supposed to do.
Missent
2009
Sonia Francesca
Sa kagustuhan ni Samarra na makasulat ng isang napakagandang romance novel ay napagsdiskitahan niyang gawing hero si Avery de Guzman, ang misteryosong male writer sa publikasyon kung saan nagsususlat din siya. She staged all their accidental meetings, smashed her cellphone, and even went to the extent of sending him text messages-making them appear they were missent-just to get his attention. Everything went out well. She had her romance story. Pero masama pala ang pinangungunahan si Kupido para sa sariling kapakanan. Hayun, tuloy ay nain-love siya nang wala sa oras. Ang masaklap pa, napundi sa kanya ang hero niya na walang iba kundi si Avery. Paano na ang sariling love story niya?