
Dahil napakagaling ko noong high school, akala ko magiging madali lang ang college life. But no, everyone seems amazing in college. Napakaraming expectations. Kaya kailangang mag-prioritize. Kailangan ng plan of attack. Kailangang timbangin ang pros and cons ng bawat galaw. Kailangang manalo. `Buti na lang I have a knight in shining armour, kakampi sa bawat laban. Pero… kakampi ko nga ba talaga siya? O baka maging mahina lang ako dahil alam kong lagi lang siyang nandiyan? Kailangan ko ba talaga ng kakampi? Kailangan ba talaga namin ang isa’t isa? Parang hindi naman. Mas kailangan ko pa yata ang chocolate muffin.