Margins
Pseudo Absurdo Kapritso Ulo book cover
Pseudo Absurdo Kapritso Ulo
2012
First Published
3.98
Average Rating
82
Number of Pages

MULA SA BABALA Hindi mo 'to dapat na mabasa sapagkat ang nilalaman ng dyornal na ito ay hilaw. Ayaw kasi namin na gumawa ng mga akda na over-cooked at over-kill sa mga rekado na ready to eat na isusubo mo na lang. Nais kasi namin na ang bawat magtangkang mambabasa ay makisabay sa pag-himay at pag-luto ng mga kaluluwa at esensya ng bawat akda-akdaan sa shit na 'to. Ayaw naming maghain ng mga putaheng-luto na nakasanayan mo nang lantakan, 'yun bang pagkasubo mo ang masasabi mo lang ay "ummm delecioso", "amen", at "sir yes sire". Sinasabi na namin sa'yo ngayon pa lang na mahirap matunaw ang mga hain dito. Bahala ka. Binalaan ka na namin, kung gusto mong basahin 'to ng hilaw na hilaw pa ay bahala kang magsuka. Binabalaan ang lahat ng mga buso na busog (sa dunong) na 'wag basahin ang shit na ito dahil baka isuka niyo lang lahat ng kinain niyo na di pa natutunaw sa mga sikmura niyo—alam naman namin na empatso na kayo sa katalinuhan niyo. Mas mainam itong basahin ng mga batang gutom. Oo! as in patay-gutom. Mainam para sa kanila dahil baka pagkatapos nilang mabasa 'to ay mawalan na sila ng gana kumain at mag-jakol na lang. Di ba nakatipid pa sila? At sa mga kritiko ng tradisyunal na literatura, 'wag mo nang basahin 'to dahil di mo na naman kailangan pa. Para sa'n pa? eh estilo at paraan lang naman ng pagkukuwento ang alam mong birahin. At 'wag mo na ring itanong kung sino ang impluwensya namin dahil wala naman, di namin kailangan nun. Di require sa'min na magbasa muna ng maraming akda bago sumulat. Sapat na 'yung mga munti naming karanasan at mga nakikita sa daan at tabi-tabi, doon naman talaga nahahagilap ang lahat ng shit. Ika nga, praktika muna bago ang teorya. 'Wag mong basahin ito kung hindi ka isang ungas! PLSSSS........ Huwag mo itong basahin pakiusap lang. Huwag mong basahin. Unawain mo.

Avg Rating
3.98
Number of Ratings
48
5 STARS
38%
4 STARS
38%
3 STARS
13%
2 STARS
10%
1 STARS
2%
goodreads

Authors

Ronaldo S. Vivo Jr.
Ronaldo S. Vivo Jr.
Author · 9 books
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved