Sikat na sikat ang third year student ng Vander High School na si Zyla Lienne "Zylie" Carbonnel-but for all the wrong reasons. Sanay na siyang masaktan, madapa, matapilok, makaladkad, at kung ano-ano pang kahihiyan. Isa rin do'n ang ma-abandon ng dati niyang boyfriend. After all, siya ang reigning queen of bad luck. Kaya buong gulat niya when Vander's living sex symbol-slash-top student na si si Silver Jeremy Torres and biglang pumansin sa kanya at nagsimistulang knight in shining armor. May pag-asa kayang magsurvive ang kaninang relasyon kahit si Zylie mismo ay hindi ito makayanang paniwalaan? And will she finally realize na sa kabila ng lahat ng kamalasan ay mayroon din kahit papaanong dumarating na swerte?