
Rosas. Bulaklak ng puso. Kulay ng pag-ibig. Pinakamatamis awitin ang pinkamapait na ala-ala ng pagibig. Walang kabiguan sa katapatan ng puso. Sa kasawian, may naliwang tamis ng gunita. Narito ang ilang kuwentong puso na sadyang pinili ng awtor para sa isang tanging katipunan. May ngiti. May luha. Ngunit anuman at alinman, may bango ng katapatan sa pinakamatingkad na kagandahan sa buhay. Ang pa-ibig. Sandali nating talikuran ang mundo ng galit. Samyuin natin ang bango ng rosas.