Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Stallion: Batch 2
Stallion: Batch 2
Series · 4 books · 2007
By
Sonia Francesca
Books in series
#1
Brad Crawford
2007
"What's wrong with falling in love with me?"
Aminado si Chiza na karamihan sa mga miyembro at may-ari ng Stallion Riding Club ay guwapo. Pero hindi siya padadala. Naroon siya para sa trabaho at negosyo, at hindi sa anupamang bagay. Pero dahil sa di-sinasadyang insidente, nakilala niya ang guwapo, berde ang mga mata, at may British accent na si Brad. Nang mahulog siya mula sa isang puno dahil sa pag-atake sa kanya ng mga langgam, ito ang nakasalo sa kanya habang nangangabayo ito. Oo, napilayan siya sa aksidenteng iyon. Pero kung mayroon mang magandang naidulot iyon sa kanyang buhay, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong maalagaan siya ni Brad.
#2
Rodjan Sta. Maria
2007
"You know, kung hindi mo lang pinasakit ang ulo ko, maganda ka sana."
Sonja was a writer. Rodjan was a painter. Pareho silang artists pero sa halip na magkasundo, palagi silang nagbabangaan. Hanggang sa mapasok sa usapan ang Stallion Riding Club, ang elite club na pangarap mapasok ni Sonja. "You're plain ang ordinary." wika ni Rodjan. "No one would look at a woman like you twice." "You're ugly and you're dirty. Sino ang mabubuhayan ng hasang sa iyo?" Pero iba ang nangyari nang magkita uli sila sa naturang club. Rodjan was now one of the most handsome members Sonja had ever seen. And she couldn't help but fall for him. "Stay away from me," deklara ng binata sa harap niya. "You want me to stay away from you. Pero ikaw naman ang laging lumalapit sa akin." Sino kaya sa kanila ang may problema?
#3
Kai Montezor
2007
"Sabi nila, no man is worth a woman's tears. The only one who's worth her tears is the one who knows he could make her cry... but would never ever... try."
Kai was a freakin' playboy. Kilala ni Zia ang binata hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng pagkatao nito. Saksi kasi siya sa mga adventures nito sa mga babae. Paano ay bahagi siya niyon. Siya ang tagapagligtas ni Kai tuwing gusto na nitong makipaghiwalay sa girlfriend nito. Nagpapanggap silang magkasintahan, mag-fiancée at mag-asawa. Lahat naman ng gimik, pinapatulan ng mga babae nito. He was always free because of her. But for the right price. Hanggan isang araw, she just had enough. Ayaw na niyang tulungan ito. Lalo na dahil ang sarili na niya mismo, hindi niya matulungan upang pigilang mahulog ang loob dito.
#5
Zell Zapanta
2007
"I already have you. Bakit pa ako maghahanap ng iba?"
Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapan ng mga Stallion Riding Club members habang namimili ang mga ito ng makaka-date ng mananalo sa promo ng Stallion shampoo. Pero ang mas nakapukaw sa atensiyon niya ay ang nag-iisang si Zell Zapanta. "I’m volunteering. I need as much exposure as I can para maging pamilyar sa akin ang masa. Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksiyon." Doon na siya kumilos. Lumapit siya sa grupo ng mga ito. "Exempted ka, Renzell,” aniya. Napako sa kanya ang tingin ng lahat. “Hindi puwedeng makipag-date ang fiancé ko.” "Sino ka ba?" tanong ni Zell nang tumayo at humarap ito sa kanya. "I don’t even know you." "Oo nga. Pero ikaw, kilala ko at kilala ako ng parents mo. Kaya nga engaged na tayo, eh." Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis. "Dapat pala ay nagpakilala na ako noong unang araw tayong nagkita. Para hindi ka na nabibigla nang ganyan. Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin. Kaya... surprise!"
Author
Sonia Francesca
Author · 59 books