Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Stallion: Batch 4
Stallion: Batch 4
Series ·
16
books · 2008-2009
By
Sonia Francesca
,
Sofia .
Books in series
#3
Daboi Bustamante
2008
"Kapag nagmahal ka, bale-wala na kung kahit kailan ay hindi ka pa nagmahal o katatapos mo lang mabigo."
Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahin na paminta—as in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto. Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. Eh, hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang linggo? Sobra naman yatang parusa iyon…
#6
Thyago Palacios
2008
"Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?"
Liyah’s idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal nito, gumuho ang paghanga niya rito. Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible playboy. Malayung-malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal…
#7
Icen Villazanta
2008
"You can be the next Hitler for all I care. Kung iyon ang gusto mo, fine… Just let me stay with you. And let me love you with all my heart, for the rest of my life."
Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kani-kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din naman kasi sila noon ng kasunduan na walang sinuman ang makakapagdikta sa kanila sa kung sino ang pipiliin nilang mahalin at makasama habang-buhay. Ngunit kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap. Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice. "I want you to meet Erica." "Why?" "'Coz I'm gonna ask her to marry me." Ngumiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.
#9
Rozen Aldeguer
2008
"Hindi ko alam kung bakit. Pero sa unang pagkakataon, hindi ko makalimutan ang ordinaryong halik kong iyon sa iyo."
Nang balikan ni Ada ang unang araw na magkaharap sila ni Rozen Aldeguer, ang lalaking crush niya, wala siyang nakitang anumang romantic doon. Nakakahiya ang pangyayaring iyon, kaya’t mas gusto niyang kalimutan na lang iyon. Ngunit binawi rin niya ang sinabi niya sa sarili na dapat ay makontento na lang siya sa paghanga sa mga lalaking katulad nito. Kahit naging magulo ang kinalabasan ng bawat pagkikita nila, ng kuwento nila, hindi pa rin niya ipagpapalit ang lahat ng iyon kahit pa sa pinakatahimik at pinakamatiwasay na pamumuhay sa mundo. Because she discovered Rozen’s other side. His more lovable side…
#13
Zairo Montevedra
2008
"Kahit ano pa ang tampo niya rito ay hindi nagtatagal, basta makita lang niya ito. Kahit pa ang pinaniniwalaan niyang mali ay nagiging tama kung iyon ang tanging paraan para makapiling lang niya ito."
Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya. Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di-hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only one name for her: trouble. But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.
#14
Hans Cervantes
2008
“You don’t have to thank me. All I want is for you to need me, always.”
Matagal nang pangarap ni Nissa Jean na makita nang personal ang hinahangaan niyang si Rozen Aldeguer, ang lalaking lihim niyang iniibig. Pero dumating sa buhay niya si Hans. In him she found an enemy, a companion, a stress reliever, a punching bag, a listener, a friend... and someone she could love for real. Ngunit si Rozen ang unang nagustuhan niya at minahal; si Hans naman ang unang lumapit sa kanya... at nagmahal. Mas masarap bang mahalin ang lalaking nasa harap na niya o mas matamis ang pag-ibig kung makukuha niya ang lalaking kanyang pinangarap?
#15
Baxter Saavedra
2008
"Masaya ako kapag nakikita kita. Masaya ako kapag nakakausap kita. Iyon ang dahilan kung bakit lagi mo na lang akong nakikita sa harap mo. I keep coming back to you because I wanted to be with you. All the time."
Baxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito. Wala naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya?
#16
Mark Ashley Camello
2008
"Kahit pakainin pa nila ako ng bubog, o paglakarin nang nakapaa sa nagbabagang uling, gagawin ko, para ma-impress ka lang sa 'kin."
Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit. Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito. At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito...
#18
Ricos Caderao
2008
"Unang ngiti pa lang ni Ricos sa kanya, alam niyang nakuha na nito ang kanyang puso."
Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa’t isa. Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan... Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.
#21
Myco Gosiaco 1
2008
"Hindi ko hahayaang mararamdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I'm doing the right thing."
Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club. Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club. Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?
Authors
Sonia Francesca
Author · 59 books
Sofia .
Author · 20 books
#23
Reiven Alleje
2008
"Shut up and kiss me if you want to make it up to me."
Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito. Ngunit kung ang mga mata ay nakakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!
#24
Ian Jack Salmentar
2008
"Kung galit ako sa iyo, hindi ako mababaliw sa kakaisip sa iyo."
Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa kanyang maiksing buhok at pananamit. Pero bale-wala sa kanya iyon dahil mas importante ang mapalago niya ang kanyang negosyo upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya. One day, she met Ian Jack Salmentar, Stallion Riding Club's elusive playboy. Abala ito sa pag-iwas sa mga babae nito nang mamataan siya nito. Laking gulat niya nang pakiusapan siya nito na magpanggap na lover nito. Iyon ang naisip nitong paraan upang layuan na ito ng mga babaeng naghahangad ng mas malalim na relasyon dito. Nang maglaon, hindi na niya maipaliwanag ang damdaming nabuhay sa kanya para dito...
#25
Trigger Samaniego 1
2008
Napamaang na lang siya rito at saglit na tila nawala sa sarili nang maramdaman niya ang maingat na pagpalibot ng mga bisig nito sa kanya. She had never felt this treasured in her life. It felt like she had finally come home.
Fourteen yearls old pa lang si Jeuliette ay itinatangi na niya sa kanyang puso ang binatilyong si Trigger. Noong unang masilayan niya ang guwapong mukha nito ay hindi na ito naalis sa kanyang isip. Subalit magkaiba ang kanilang mga mundo. Simpleng tao lang siya; samantalang ito, mabanggit lang ang pangalan nito ay nagkakaroon na agad ng komosyon. Lalo na ang mga babae. Kahit pa nga hindi ma-distinguish ng mga ito kung si Trigger o ang kakambal ba nitong si Jigger ang nasa paligid. Sa bagay na iyon, nakalalamang siya sa mga babaeng iyon. Dahil siya, sigurado siyang alam niya kung si Trigger o ang kakambal nito ang kaharap niya. Mas tiwala siya sa ibinubulong ng kanyang puso kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata... Ngunit nang magtapat siya kay Trigger ng kanyang tunay na damdamin, nanlumo siya nang italampak nito sa mukha niya na pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya...
#26
Trigger Samaniego 2
2008
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumayo ako gaya ng nais mong mangyari. Pero hindi ko na kayang magpanggap na kaya kong malayo sa iyo. I miss you like hell! And I still love you."
Mabilis na nalagas ang mga dahon sa tangkay ng panahon. Waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang maraming taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Jeuliette. Ngayon ay isa na siyang sikat na modelo at maari na niyang ihanay ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan ng mga Stallion boys. Isang bagay lang ang hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman-ang pangalan ni Trigger Samaniego. Ito ang tanging lalaking nanakit sa kanyang damdamin noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng panahon...
#27
Jigger Samaniego 1
2009
"You're not my type of girl. But I like you anyway."
Unang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend niya. She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung anong puwersang nagmamanipula ng lahat.
#28
Jigger Samaniego 2
2009
"Ang talagang makakapagpasaya lang sa atin ay yong taong naging dahilan kung bakit tayo malungkot."
Nova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito. That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon. She hated Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita niya ang lalaki ay gaganti siya rito. Pinagbigyan naman siya ng tadhana. Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso niya para sa lalaking bumigo sa kanya. Lalong naging komplikado ang paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para dito. Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?