Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
Stranger Trilogy
Stranger Trilogy
Series · 3 books · 2012
By
Maricar Dizon
Books in series
#1
Marrying A Stranger
2012
Labag man sa kalooban ni Lettie ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan niya si Damon Valencia, ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola. Iyon ang paraan na naisip nito para mabayaran ang malaking utang ng pamilya nila. Nalulong kasi ang ama niya sa casino. Ngunit sa unang pagkikita pa lamang nila ni Damon ay hindi na agad maganda ang impresyon niya rito. Sa tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito. Ngunit nang makasama na niya ito ay na-realize niya na hindi naman pala masama na maging may-bahay nito. Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang, alam niyang delikado ang puso niya rito dahil kahit nagsasama na sila ay nananatili pa rin itong estranghero sa kanya. Maraming lihim sa pagkatao nito at isa sa mga iyon ang dumurog sa kanyang puso.
#2
Kissing A Stranger
2012
“Ang gusto ko lang, sa halip na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me.”
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang manatili ni Jena nang buong gabi sa loob ng isang hotel room kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang “Woody.” Kinabukasan, aalis na lamang siya at gigisingin ito nang biglang hinalikan siya nito. Sa pagkabigla ay umalis siya nang hindi nagpa- paalam dito. Ang akala niya ay hindi na niya makikita uli ito. Ngunit laking gulat niya nang makita niya ito sa kompanyang pinapasukan niya. Balak sana niyang iwasan ito ngunit nakita agad nito ang plano niya. Tila nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary nito. Walang araw na hindi siya binu-bully nito kaya banas na banas siya rito. Ngunit sa kabila ng lahat ay natagpuan niya ang sariling nahu- hulog ang loob dito at mukhang ganoon din ito sa kanya. Ang kaso, kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Di-hamak na mas bata ito sa kanya. Madalas na hindi sila magkasundo dahil magkaiba ang ugali nila. May silbi pa bang sumuong siya sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan?
#3
Loving A Stranger
2012
"All I want to do is go back to where you are."
Kahit sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may isang demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon. Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gumabay rito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina ay laging umiinit ang ulo niya sa mga pang-aasar nito sa kanya? Ang lalong nakakairita, mukhang kasama sa paraan ng pang-iinis nito ang pang-aakit at pagnanakaw ng halik nito sa kanya. Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari—she fell in love with him. Pero masakit ang natuklasan niya. Bukod sa bumalik na ito sa dating buhay nito, napagtanto niyang ginawa lang pala siyang pampalipas-oras nito.
Author
Maricar Dizon
Author · 5 books