Margins
Margins
Sign in
Margins
Subscribe to our newsletter
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
hello@margins.app
·
+1 (650) 223-5283
Privacy Policy
·
Terms of Use
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved
The Floral Collection
The Floral Collection
Series · 11 books · 2001-2010
By
Sonia Francesca
,
Heart Yngrid
,
Dream Grace
, and more
Books in series
#4
Matters of the Heart
2002
"When you fall in love, sometimes you don't need to listen to your brain. You just have to use your heart."
Florence was carefree. Lahat ng bagay ay nagagawa niyang idaan sa biro. Pero nakilala niya si Donn—seryoso, at ang nais nito ay nasa ayos ang lahat. He was so considerate na mas uunahin pa nito ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nitong kaligayahan. Biglang umiral ang inborn na pagkapilantropo ni Florence. Itinalaga niya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto. Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itinatanggi. Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab din niya iyong tinugon...
#5
My Lord Ace
2002
"Ang singsing na 'yan, hindi ko alam kung bakit binili ko iyan. I had always carried it ever since. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang dahilan ng pagbili ko niyan. It was really meant for you."
Bilang isang freelance photographer, kung saan-saang isla at bundok nakakarating si Prix. Kaya nang marinig niyang maganda ang Isla Catalina ay agad siyang pumaroon. Iyon ay sa kabila ng pagiging pribado ng isla. Ganoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinagtabuyan siya nito. Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nakukunan ng larawan ang isla. Sa pagkamangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninil- bihan niya sa pamamahay nito. Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na round. Because instead of winning, she bet and lost something she couldn’t afford to lose: her heart.
#9
How To Kiss A Guy
2006
"I've known her for years. Isang libong 'I hate you' na ang natanggap ko mula sa kanya. I know she's far from ordinary. But I love her and I love her absurdity or whatever her definition of 'special' is."
Head over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin ng binata. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan siya nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda nito ang dating bandmate nito na si Radd. Maisip pa lang niya ang pagmumukha ni Radd ay umaalingawngaw na sa magkabilang tainga niya ang mga salitang "mayabang," "bastos," at "babaero." Pero wala siyang choice kundi makibagay rito kung sa hukli ay mapapansin naman siya ni Raf. Pero hindi lang pala ang paggigitara ang kailangang matutuhan niya. Because Raf wanted a good kisser, too. She had never been kissed, for Jude’s sake! At dahil ito ang gusto niyang maging first kiss at first boyfriend niya, kailangan niyang matutong humalik. Paano at sino ang magtuturo sa kanya? Oh, no... It couldn’t be Radd, too!
#12
Proud Hearts
2008
He didn't only touch her lips when he was kissing her. He also touched her heart.
Nauwi sa matamis na relasyon ang parang aso’t pusang pagbabangayan nina Gail at Pride. Kung noon ay pulos maaanghang na salita ang ipinupukol nila sa isa’t isa, ngayon ay walang araw na hindi nila sinasabi kung gaano nila kamahal ang bawat isa. Isang araw ay biglang nagpaalam ito na aalis. Sa Amerika na raw ito magpapatuloy ng pag-aaral. Walang kasiguruhan kung babalik pa ito sa piling niya kaya nagpasya siyang ipagkaloob dito ang kanyang pagkatao. At nahuli sila ng kanyang mga kuya. Nagalit si Pride at pinagbintangan siyang s-in-et up niya ang lahat. Umalis itong napopoot sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nagbabalik ito sa kanya. Mapanindigan pa kaya niya ang galit niya rito kapag nalaman na niya ang buong katotohanan sa paglisan nito noon?
#18
Miguel, My Distant Guiding Star
2009
"I’ll never get tired of having you here... in my heart."
Si Lalaine ang nagbabayad ng utang ng kinagisnan niyang ama kaya napadpad siya sa poder ni Miguel Vasquez at naging katulong nito. Hindi niya inasahang ang bagong amo niya ang magsisilbing guiding star niya upang maabot ang mga pangarap na inakala niyang sa panaginip na lamang niya maaabot. Only, he was a distant star. Pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya napigilan ang sarili na umibig dito—pag-ibig na naging daan upang maghilom ang sugat niya mula sa nakaraan. Hanggang saan siya dadalhin ng isang pag-ibig na alam niyang imposibleng magkaroon ng katugon?
#20
A Fairy Tale
2010
"Hilingin mo na ang lahat huwag lang ang isuko kita. Hindi ko kaya."
Ang makita silang ikinakasal ang isa sa mga pangarap ng mga magulang nina Jacobo at Selena kaya naman mga bata pa lang sila ay ipinagkasundo na sila. When Selena learned about this, the idea didn’t go well with her. Hindi niya alam ang mararamdaman. Jacobo was her best friend, almost a brother to her. She couldn’t imagine herself loving him romantically. Alam din pala nito ang tungkol sa kasunduan. Hiniling niya rito na kausapin nito ang kanyang ama na putulin iyon. “Ayaw mo ba akong makasama habang-buhay?” tanong nito. “I want to be with you forever, but not as your wife. I can’t see us together like that.” Masuyong hinagkan nito ang kanyang noo. “You know I’ll give you everything you want. If it’s freedom you want, you would have it,” pahayag nitong may kalakip na lungkot ang tinig. Natupad ang nais niya. But when she saw Jacobo with another woman, it was as if a knife went through her heart. Could it be that she was in love with him after all?
#21
Teenage Love Story
2010
"Maghihintay ako kahit gaano katagal. Patutunayan ko sa'yo na kaya kong magmahal nang totoo."
Jucylle was a nobody. Ayos lang sa kanya iyon. Masaya siyang hindi gaanong napapansin at nakikita. Hanggang sa pumasok sa buhay niya si Arkin. He was sort of the school prince. Narito ang halos lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki—gandang-lalaki, yaman, at kasikatan. Bigla, naging sentro siya ng usap-usapan sa eskuwelahan. Lahat ay nagtatanong kung bakit kasa-kasama siya ni Arkin. Ngunit tila walang kaso iyon sa binata. Kahit anong taboy niya rito, hindi ito lumalayo. Namalayan na lang niyang palagay na ang loob niya rito. Masaya siyang kasama ito at tila ganoon din ito sa kanya. Pero ano nga ba ang pakay nito sa kanya? Nakikipag- kaibigan lang ba ito, o tama ang hinala ng marami? That Arkin Luciano—Mr. Somebody—was falling for Miss Nobody…
#1286
Kissing Miss Wrong
2001
"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you."
Natagpuan na lamang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bisig ni Nathan; his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thoughts were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. And she was becoming addicted to his soft lips and burning touch. At naalarma ang isip niya nang dahil doon. Alam niyang hindi siya ang ideal woman na hinahanap nito at masasaktan lamang siya kapag nagpatuloy ang kahibangan niya rito. She had lost her defenses and she had already lost her heart to him. Paano pa niya ililigtas ang kanyang pusong hindi nagpapigil na umibig dito?
#2443
Hitch Catch
2006
"You know what could really make me happy? You. Only you."
Sumama nang labis ang loob ni Tanya nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng taong pinagkakautangan nito nang malaki. Pero gagawin niya ang nais nito para hindi ito makulong. Para saglit na makalimutan ang problema ay nagtungo siya sa isang bar. Doon ay may nakita siyang isang guwapong lalaki. Dahil sa espiritu ng alak ay naikuwento niya rito ang tungkol sa problema niya. And the next thing she knew, niyaya na niya itong tulungan siyang makaganti sa lalaking mapapangasawa niya. And that was to lose her virginity before her nightmare of a wedding. After that wonderful night, wala na siyang naging balita sa lalaki. Ang akala niya ay iyon na ang una at huling pagkikita nila. Hindi pala. Dahil nalaman niya ang identity ng guwapong lalaking nakaniig niya. He was her groom's older brother!
#3003
Seven Days To Love
2009
"It was you kiss I wanted. It was you I desired. Hindi mo alam kung gaano ko kinailangang pigilan ang sarili ko para hindi kita ikulong sa mga bisig ko."
Kailangang mahanap ni Yrra ang lumang diary ng kanyang lola kung saan nakasulat kung paano magwawakas ang diumano'y sumpa nito. Dahil sa sumpang iyon ay hindi siya maaaring umibig pagtuntong niya sa edad na beinte-singko. Otherwise, mamamatay ang lalaking mamahalin niya. She made a step to uncover the mystery. Kinailangan niya ang tulong ng best friend niyang si Ralph. May counteroffer naman ito sa kanya para makuha nito ang yate na regalo ng bilyonaryong lolo. For seven days, Yrra had to play along with her best friend's crazy game while they were working to find the lost diary. It never occurred to her that seven days would be enough to change her life forever...
Authors
Sonia Francesca
Author · 63 books
Heart Yngrid
Author · 25 books
Dream Grace
Author · 12 books
Victoria Amor
Author · 5 books
Belle Feliz
Author · 8 books
#3289
Happy Ever After
2009
"Do you know what's more magical? When a guy gets down on one knee, opens a jewelry box with a beautiful diamond ring, and asks her to spend the rest of her life with him."
Jane had been avoiding Duke like the plague. Alam niya kasing laruan lang ang tingin nito sa kanya, someone who would entertain him every time he would visit the Philippines. He was never serious about her. Isa pang ikinaiinis niya ay hindi nito itinatago sa kanya ang kagustuhan nitong madala siya sa kama. "Duke, kailan ka ba titigil?" tanong niya rito. "Kapag akin ka na," walang gatol na sagot nito. True to his words, he never gave up in wooing her. Until the inevitable thing she succumbed to his charms. Ngunit kung kailan natanggap na ng puso niyang mahalin ito, saka naman niya nalamang hindi pala ito nakatadhana sa kanya. Matagal na pala itong ipinagkasundo sa babaeng nagkataong matalik na kaibigan pa niya...