
"From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it was just starting." Namuhay si Yulia sa masikip at hindi malayang buhay. Lahat ng desisyon niya ay kontrolado dahil ayaw ng kaniyang ama na masira ang kanilang apelyido, lalo na at siya ang panganay. Gusto ng kaniyang ama na panatilihin ang kagandahan ng kanilang apelyido—hindi dahil para sa kanila, kundi para sa sarili nitong kapakanan. Para sa kapangyanhan. Para mabusog ito ng yaman. Ang tanging naisip na lamang ni Yulia upang makatakas sa buhay na mayroon siya ay ang pagpapakasal sa lalaking gusto niya. Pero tulad ng kaniyang inaasahan, hindi yon hinayaang mangyari ng kaniyang ama. Sa edad na dalawampu't anim, ipinagkasundo siyang ipakasal kay Logan-ang lalaking ayaw niya. Kung papipilin siya kung impiyerno o ang lalaking ito, mas pipilin niya na lang ang impiyero. Kaya gagawin niya ang lahat upang mapigilan ito. Ngunit ano nga ba ang aasahan ni Yulia sa mga susunod pang araw? Mapipigilan niya bang maikasal kay Logan? Makalalaya kaya siya nang tuluyan kapag kinasal na siya at tulyan nang gagaan ang kaniyang buhay? O nagsisimula pa lang magulo ang mundo niya?