Margins
Wag Lang Di Makaraos book cover
Wag Lang Di Makaraos
100 Dagli
2011
First Published
4.03
Average Rating
165
Number of Pages

MAGAANG BASAHIN, KUNG MATINIK AY MALALIM. Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa'y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros—malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan. Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon. Bienvenido Lumbera Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan

Avg Rating
4.03
Number of Ratings
1,786
5 STARS
51%
4 STARS
21%
3 STARS
16%
2 STARS
6%
1 STARS
7%
goodreads

Author

Eros S. Atalia
Eros S. Atalia
Author · 9 books
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2025 Paratext Inc. All rights reserved