


Books in series

#1
Ang mutya ng Section E
2019
Ang tanging gusto lang ni Jay-jay ay magkaroon ng normal na highschool life, na malayo sa dating siya na laging nakikipag-away. Kaya naman pumayag siyang lumipat sa poder ng kanyang kamag-anak sa pagbabakasali na makapagbabagong-buhay.
Hawak ang pangako na 'yon, pumasok siya sa kanyang bagong school pero kahihiyan at sakit sa ulo naman ang bumungad sa kanya.
Matupad kaya niya ang kanyang pangako at makatagal kaya siya sa nilipatang school kung siya lang ang nag-iisang babae sa section nila?

#2
Ang Mutya ng Section E Book 2 Part 1
2023
Nagsimula nang maipit si Jay-jay sa pagitan ng mag-kaibigang Yuri at Keifer. Akala niya ay kaya niya pang kontrolin ang sitwasyon, pero nang maamin niya sa sarili at kay Kiefer ang nararamdaman, nagsimula nang maging komplikado ang lahat. Unti-unting nagkagulo nang malaman ng buong Section E ang nangyayari, at nagsimula silang mahati.
Nasa kanya ang sisi hindi lang ng buong klase pero maging ng sarili niya. Naging mailap ang iba sa kanya na ikintakot niya. Pero mayron pa rin siyang hindi nalalaman,. Ang galit ng iba ay hindi para sa kanya, ang paninisi ng iba ay hindi nakaturo sa kanya, at ang totoong may kasalanan ay hindi siya.
Makayanan kaya niya kapag may nagsalita na ng totoo? Makayanan kaya niya kapag lumabas ang madilim na sikreto ng mga taong binigyan niya ng malaking tiwala? Makayanan kaya niya kapag ang taong pinili niyang mahalin ay may itinatago sa kanya?

#3
Ang Mutya ng Section E, Part 3
2022
Masaya si Jasper Jean Mariano nang maramdaman niya na kabilang na siya sa section na napuntahan niya. Mula sa palitan ng bangayan, naging palitan ng kulitan. Mula sa palitan ng masasakit na salita, naging palitan na ng tiwala. At mula sa pagiging magkakaaway, naging magkakaibigan.
Pero hanggang saan ang nabuong pagkakaisa kung muling nagtatagisan ang dalawang naging dahilan ng paghahati nila dati? Pareho silang nagpahiwatig ng nararamdaman para sa kanya. Sino kaya ang pipiliin niya?
Ang hindi pinili noon pero minahal, o ang lalaking hindi minahal pero pinili? Gagayahin kaya niya ang naging desisyon ng babaeng pinagtalunan nila dati? Mahahati kaya uli ang section nila?
May panibagong gulo na naman na iikot sa section E.