Margins
Bayan ng mga Bangkay book cover
Bayan ng mga Bangkay
2022
First Published
4.26
Average Rating
260
Number of Pages
Inuusisa ng mga kuwento sa Bayan ng mga Bangkay ang iba’t ibang nosyon ng krimen at katatakutan sa kasalukuyang panahon, mula sa laganap at normalisadong pagpaslang at karahasan, mga nilalang na mula sa panitikang bayan at kulturang popular, hanggang sa malalagim at madidilim na senaryong ngumangatngat sa kamalayan ng indibidwal na bugbog sa social media, politika, at lockdown dahil sa COVID-19
Avg Rating
4.26
Number of Ratings
27
5 STARS
48%
4 STARS
37%
3 STARS
11%
2 STARS
0%
1 STARS
4%
goodreads

Author

Chuckberry J. Pascual
Chuckberry J. Pascual
Author · 9 books

Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School. Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class. Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:

548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved