

Books in series

#1
Ella Arcangel
Tomo Una: Ito ay Panganib
2017
Hindi lang ang mga maralita ang lungsod ang nakatira sa masisikip na kanto't barung-barong ng Barangay Masikap
Mayroon ding mga kaluluwang ligaw na naghahanap ng katawang babahayan, mga babaeng nakaputi na lumulutang sa hangin, mga galising sigbin na nangangalkal ng basura. Ang lahat ng ito ay normal para sa barangay na'to, hanggang sa muling nagising ang Hilagyo ng Lupa. Ang tanging harang ng taumbayan mula sa supernatural na sakuna ay si Ella Arcangel, ang mambabarang ng Barangay Masikap. Sundan ang umpisa ng kanyang pakikipagsapalaran sa ELLA ARCANGEL TOMO UNA: ITO AY PANGANIB ni Julius Villanueva.

#2
Ella Arcangel
Tomo Pangalawa: Awit ng Pangil at Kuko
2018
Kabi-kabilang panganib ang kinakaharap ni Ella Arcangel at ng mga residente ng Barangay Masikap pati na ang mga pusa nito. May mga pulis na nagroronda at pumapatay ng mga “adik” at may halimaw na may matatalas na ngipin na nagkukubli sa mga madidilim na eskinita. Sino ang mas mapanganib?
Kayanin kaya ng ating batang mambabarang ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang paligid?