
SA NABUBULOK NA SIKMURA NG BARANGAY MASIKAP, mas totoo ang bulong ng mga patay kaysa sa pangako ng buhay. Dito nakatayo ang sampung-taong gulang na si Ella Arcangel, sa pagitan ng dalawang bangungot: ang mga aswang na naglalaway sa dilim, at ang mga taong mas masahol pa sa halimaw ang kasakiman. Para sa mundo, isa lamang siyang batang-maralita; ngunit para sa kadiliman, siya ang tanging balakid. Ito si Ella, ang munting mambabarang laban sa dambuhalang lagim ng lansangan. Nilalaman ng edisyong ito ang Tomo Una: Ito ay Panganib at Tomo Pangalawa: Awit ng Pangil at Kuko.