


Books in series

#1
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
2014
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

#2
Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang
2015
APAT NA BUWAN NA SI JANUS SA MANSIYON NINA MANONG JOEY SA AGONO PERO NAROON PA RIN ANG SAKIT NG DILANG-KARAYOM NG MANANANGGAL SA PUSO NIYA DAHIL SA PAGKAWALA NG MGA MAHAL SA BUHAY AT SAPILITANG PAGLAYO KAY MICA.
Simula ng Christmas break nang mawasak ang proteksiyon ng mansiyon laban sa Tiyanak at sa mga kampon nito. Matinding barang ba ito? Nawawala rin si Mira, ang isa sa kambal na baganing kasing-edad ni Janus at inampon din nina Manong Joey. Ipinagtapat naman ni Renzo kay Janus ang matagal na palang sinusundan ni Manong Isyo: bumalik sa mapa ng utak ng dalawang manong ang brain imprint ng Papa ni Janus at maaaring buhay pa pala ito!

#3
Si Janus Sílang at ang Pitumpu't Pitong Púsong
2017
Bago naglaho si Janus habang naglalaro ng tala, nakita ni Manong Joey sa utak nito ang hinahanap nilang paraluman.
Sinundo ni Renzo si Mica sa Balanga para protektahan ito sa Angono at dahil may kaugnayan ito sa paralumang nakita ni Manong Joey kay Janus. Samantala, nasa Kalibutan pa rin sina Manong Isyo para hanapin si Mira na malamang na nakuha ng mga mambabarang. Walang kaalam-alam ang lahat kung nasaan na si Janus hanggang sa makita ni Manong Joey na humihiwalay ang anino ni Renzo sa katawan nito at maaaring matagal na pala itong ginagamit ng Tiyanak!

#4
Si Janus Sílang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha
2019
Hindi natagpuan nina Janus ang katawan ni Renzo sa Paanan ng Bundok Banog.
Bumalik sila sa Angono para hanapin ang puwang ng mga wala na, at para hanapin ang sagot sa mga naroongtanong: Ano na ang nangyayari kina Manong Joey sa Kalibutan? Wala na bang nakakita kay Boss Serj mua noong Pasko? Bakit parang nanghihina ang mangindusa ni Janus?
At higit sa lahat, nasaan ba talaga si Tala?

#4
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
2015
Ang akala ni Janus, pangkaraniwang laro lang ang TALA Online. Sunod-sunod ang pagbabago sa buhay niya matapos ang kahindik-hindik na pangyayari sa RPG tournament sa sinalihan niya. Pero nang matuklasan niya ang tunay na kaugnayan ng larong ito sa alamat ng Tiyanak ng Tabon, wala na siyang magawa kundi ipagpatuloy ang paglalaro!

#5
Si Janus Sílang at ang Lihim ng Santinakpan
2021
Matapos ang paulit-ulit na pakikihamok laban kay Sidha at sa Tiyanak, natagpuan na ni Janus sa wakas si Tala. O si Tala na nga ba ito?
Dinala siya ng babae sa pinakapusod ng Dalem—ang bayan sa kailaliman ng Kalibutan na itinatag ng mga pusong na kumukupkop kay Tala sa loob ng mahabang panahon—para ipaalam kay Janus ang papel nito bilang ikalimang sinag sa pangwakas na laban para sugpuin ang Tiyanak. Sa huling aklat na ito ng serye, nag-aabang kay Janus ang lihim na maghahatid sa mga pakikipagsapalaran at pasya na kailangan niyang gawin sa ngalan ng kaligtasan ng Santinakpan!
Author

Edgar Samar
Author · 13 books
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.