
Matapos ang paulit-ulit na pakikihamok laban kay Sidha at sa Tiyanak, natagpuan na ni Janus sa wakas si Tala. O si Tala na nga ba ito? Dinala siya ng babae sa pinakapusod ng Dalem—ang bayan sa kailaliman ng Kalibutan na itinatag ng mga pusong na kumukupkop kay Tala sa loob ng mahabang panahon—para ipaalam kay Janus ang papel nito bilang ikalimang sinag sa pangwakas na laban para sugpuin ang Tiyanak. Sa huling aklat na ito ng serye, nag-aabang kay Janus ang lihim na maghahatid sa mga pakikipagsapalaran at pasya na kailangan niyang gawin sa ngalan ng kaligtasan ng Santinakpan!