
Narito ang aklat na nagpapakilala sa mga lamánlupà at halimaw na nakapananakit, ngunit kung minsan ay kaibigan din: mga aswáng na nagdudulot ng takot at kamatayan; mga bayáning may kahanga-hangang lakas, tapang at talino; mga antitong gumagabay at nagbabadya; at mga diwatà at bathalàng namumuno at nangangalaga sa lahat ng nilikha - silang mga nilaláng na nabubuhay sa mayamang salaysay at paniniwala ng iba't ibang pangkat sa ating bansa. Matakot at mamangha sa mga nilaláng na kagila-gilalas ng ating lahi.