Margins
Mga Pilat sa Pilak book cover
Mga Pilat sa Pilak
Mga Personal na Sanaysay
2011
First Published
4.04
Average Rating
189
Number of Pages

"Simple, kumbersasyonal ang tono, may mga paksang karaniwan ngunit nilapitan sa di pangkaraniwang istilo, ngangayunin subalit panghabampanahon; partikular ang tuon pero unibersal ang mga tema—ito ang koleksiyong Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay ni Eugene Y. Evasco. Sa katipunang ito, hubad at hayag si Eugene—sa pagitan ng mga inya; sa ilalim at ibabaw ng mga paksa. Malayong malapit, malawak na makitid...dito nakatatak ang iba't ibang piraso ng kaniyang kasaysayan." —Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo, Palanca Hall of Fame 1995 "Naiaakay tayo ng koleksiyon ng sanaysay ni Eugene Y. Evasco sa iba't ibang yugto ng kaniyang buhay: bilang kabataan, bilang may gulang. Bilang anak, bilang kapatid. Bilang mangingibig. Bilang kolektor ng mga selyo. Bilang masugid na manlalakbay ng mga museo, lansangan, palengke. Bilang manlalambat ng mga salita. Bilang espektador ng boksing, away ng kapitbahay, pag-aagaw buhay, at iba pang lirikal na usbong ng buhay na puno ng kontradiksiyon. Sumasalok ang koleksiyong Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay hindi lamang sa personal na balon ng karanasan, kundi sa pag-alam din ng karanasang nalanguyan, o nilalangoy ng nakararami. Tunay, hindi nagsusulat si Evasco para maging mensahero lamang. Isa siyang personang nakababatak ng diwa, ng luha, ng bungisngis, at ng pagmumuni." —Dr. Luna Sicat-Cleto, premyadong mandudula at nobelista

Avg Rating
4.04
Number of Ratings
49
5 STARS
51%
4 STARS
24%
3 STARS
8%
2 STARS
10%
1 STARS
6%
goodreads

Author

Eugene Y. Evasco
Eugene Y. Evasco
Author · 15 books
Eugene Y. Evasco is a writer, editor, translator, and collector of children’s books. He is currently a Full Professor at the UP College of Arts and Letters. Some of his new books at Lampara are Ang Nag-iisa at Natatanging si Onyok, Ang Singsing-Pari sa Pisara, Ang Beybi naming Mamaw, and the Filipino translation of Charlotte’s Web by E.B. White. In 2014, he won the UP Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino (Malikhaing Pagsulat category). He became a part of the Hall of Fame of the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature in 2009 and is currently a Fellow of the UP Institute of Creative Writing. He was accepted as a Research Fellow to the International Youth Library in Munich, Germany.
548 Market St PMB 65688, San Francisco California 94104-5401 USA
© 2026 Paratext Inc. All rights reserved