
Narito ang samu’t saring meditasyon ng makata hinggil sa tamis-anghang ng pag-ibig, hirap-sarap ng buhay may asawa, at ang asim-alat ng pagiging Filipino. Iba’t iba ang himig ng tula: mapaglimi, seryoso, ngunit madalas ay nang-uupat, nanunudyo nang di natin namamalayan. Namamayani ang siste sa koleksiyon, ang masayang pagtingin sa mga bagay, relasyon, at pangyayari gaano man ito kaselan. Hinihimok tayo ng mga tulang ito na pagtawanan ang ating mga sarili, habang sinisikap na tistisin ang kasalukuyan nating kalagayan. Kung kailan kailangan. Dahil iyon ang kailangan. - Jerry B. Gracio