Anak ng isang 'merkano at Filipina, lumaki si Murray na mahirap at tila naiiba sa kanyang mga kapwa bata. Pero may natatangi siyang hiling sa kanyang nalalapit na kaaarawan: ang magkaroon ng isang pares ng sapatos. Iyon lamang at wala ng iba pa.