Gaano kaimportante sa isang high school student ng kanyang barkada at mga kaibigan? Gaano kahalaga sa isang teenager ang magkaroon ng sariing identity bukod sa pagiging isang anak o isang estudyante? May best friends si Thea at nakapagkasunduan nilang hindi sila dadalo sa seniors' ball. Pero bigla siyang nagbago ng desisyon. Tama ba ang ginawa niya? O iyon ay isang walang-kapatawarang pagtataksil sa mga kaibigan at sa sarili?