Ano ang epekto ni Rizal sa mga nobelistang Filipino? May kinalaman ba ang pananakop ng mga Amerikano sa pagsigla ng nobelang sentimental bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit nauntol ang pagdami ng mambabasa ng nakaaklat na nobela sa unang mga dekada ng siglo 20? Maituturing bang pagsulong ang popularidad ngayon ng romance novels? Ilan lamang ito sa mga isyu't problemang tinalakay ni Virgilio S. Almario, sa kanyang pagbabalik sa unang siglo ng nobela bilang anyong pampanitikan sa Filipinas.